Manining/Eric Maningning/Charles Charles/Mayumi--->Sino nga ba?

Eric loves Maningning so much, pero nagawa pa rin niyang lokohin si Maningning.

Charles on the other hand, no doubt loves Maningning, pero, magkakaanak siya kay Mayumi, so dapat niyang panagutan.

Sino nga ba ang dapat kay Maningning?

Sino ba ang para kay Mayumi?

Post your opinions as a comment!

 

 
  • »Permalink
  • 1 Comments
  • Send entry
  • Posted by:...
  • in:Prinsesa ng Banyera

Pangarap na Bituin episode 66

.MY FIRST EVER BLOG ENTRY FOR 2 YEARS. 

last updated: December 5 2007

alam ko medyo mahaba, pero patapos rin naman yung teleserye, kaya mas maganda kung habaan ko....maganda rin yung mahaba para sa hindi nakapanood, para di bitin.

Cool

Hindi makapaniwala si Emerald na lola niya yung kaharap niya, dahil sa raming nagpapanggap.  Sinabi ng totoo niyang lola na meron siyang ebidensiya sa susunod niyang pagbalik.

Sa ospital naman, pinakita na si Terrence ay  sinugod, at iyak ng iyak si Alberta. Si Jimbo ay nakakulong at nagwawala, sinasabing bayaran siya ni Alberta.

Si Sapphire naman ay nasa bahay nung dumating si Lena na mukhang nagmamadali. Tinanong ni Sapphire kung anong nangyari at kung ito ba ay isa sa kinukuwento niya kagabi. Si Lena ay tinanggi at sinabi namang, kung may nagtanong, Sabihin daw na nasa bahay siya buong araw kahapon. Sinabi ni Sapphire na hindi niya ito gagawin kung hindi niya makita yung tatay niya. Sabi naman ni Lena na hawak niya ang buhay ng tatay niya, kaya wala siyang choice.

Nagrereport si Perla, at sinabi niya ang kanyang mga narinig na sigaw nung gabing iyon.

Iniinterview si Lena sa bahay, kasama sina Erpats, Chorva, etc. at binalita na naospital si Terrence. Sinabi ng pulis na ayon kay Jimbo, si Lena daw ay kasama niya nung gabing yon.  Tinanggi ni Lena na nagkita sila ni Jimbo at sinabi wala siyang kinalaman sa lahat at hindi daw nya kayang pumatay at sumabwat sa ganon. Sinabi ni Sapphire na kasama niya yung nanay niya buong araw nung tinanong ni Lena. Nung sinabi ng mamang pulis na dapat kasama si Lena sa line-up, ayaw ni Lena. Sumama din si Lena sa line-up dahil daw wala dapat siya ikatakot kasi wala naman daw siyang kasalanan sabi ni Erpats.

Pinarinig sa lola ang boses ng mga taong nasangkop sa gabing yon sa presinto, ngunit hindi niya parin maalala kung sino yung nagsalita non. Babalitaan nalang daw siya. Tinuro ni Perla si Lena, na nasa dulo (Isa sa mga nagsalita don) at pinaalam kay Emerald na yung babae daw na yon ang kasama niya bago siya nakidnap. Sinabi ni Perla na sinabi daw ng babaeng yon(Lena) na manager daw siya nila. Sumagot si Emerald sa pagsasabing -Hindi lang daw siya manager, kundi nanay daw nila, at anak ni Perla. Sinabi ni Perla na hindi daw yun totoo. 

Nagaway si alberta at Lena sa ospital.  Alam daw ni terence lahat dahil kay alberta  at ituturo daw sila, kaya ginawa ni Lena yun. Pero itong si Alberta, galit at umiiyak.

Si Lena at lahat ay nagtagpo saospital, hinihintay ang operation ni terrence. Stable daw ang condition ni Terrence, at si Alberta ay mukhang relieved. Pero baka hindi na daw gumising si Terrence.

Nagusap si Emerald at Perla, at sinabi ni Emerald na naniniwala ito sa kanya. Ang mga kapatid siguro niya ang mahirap kumbinsihen. Pinagkasunduan nila na wag muna sabihin sa kahit kanino, at babalik siyang may ebidensiya. Sinabi ng lola na magingat daw sila, maslalo na kay Lena, dahil hindi daw niya ito nagugustuhan.

 Si Emerald naman ay malungkot sa nangyari kay Terrence.

Nagusap si Sapphire at Lena. Kaninang umaga kasi, sinabi ni Emerald na kasama daw niya yung lola na nabiktima. Inutusan ni Lena na kausapin ni Sapphire si Emerald para i-confirm kung alam ba talaga ni Emerald ang totoo. Ayaw ni Sappire, pero sinampal siya ni Lena at hawak niya ang buhay ng kanyang ama. Sinabi ni Lena na sa tagal nilang magkasama ng lola nila, siguro naman, meron silang pinagusapan. Pero kung alam daw ni Emerald, bakit hindi daw siya sinugod?

nagusap emerald at Saphire at pinagusapan si Terrence. Sunod na tinanong ni Sapphire kung ano ang ginawa ni Emerald kagabi. Sinagot ni Emerald at sinabing sinamahan yung isa sa biktima. Sabi ni Sapphire na baka nagkwentuhan sila, at sinabi ni Emerald na sinabi daw ng babae na siya daw yung lola nila. Na-shock si Sapphire, pero ipinamukha ni Emerald na hindi siya naniniwala, sa rami ng nagpapanggap na sila ang lola ng Jewel Sisters.Nakikinig si Lena sa magkapatid at tuwang tuwa.

Kinausap si Alberta, ngunit hindi ito natutuwa. Sinabi ni Lena na siya na lang daw ang magcecelebrate.

Si Perla ay nakauwi na ng Canada, at maligayang sinabi na nahanap na daw niya sila. At pinakita ang totoong Jade...

 
  • »Permalink
  • 2 Comments
  • Send entry
  • Posted by:...
  • in:PANGARAP NA BITUIN
Blog-List
21Publish - Cooperative Publishing